Saturday, May 7, 2011

Ang Tunay na Bayani

        Ngayon, ika-8 ng Mayo ay Araw ng mga Ina, na inilaan upang dakilain natin ang tunay na bayani sa buhay ng bawat nilalang. Bagamat di lamang sa araw na ito natin dapat pahalagahan ang ating mga ina kundi sa bawat oras ng ating buhay.  Espesyal na nilikha ng Diyos ang ina, may napakalaking papel na ginagampanan sa buhay. Isang napakalaking himala na may nabubuhay sa sinapupunan ng isang babae, ang isa pang nilalang. Siyam na buwan ng paghihirap ang dinaranas ng isang babae ngunit may matamis na bunga pagkatapos mailuwal ang isang bata. Kahit gaano pa kahirap ang pinagdadaanan ng isang babae sa panahon ng pagbubuntis at panganganak ay nawawala itong lahat kapag nakita na niya ang buhay na kanyang pinakaingatan. Tila ba isang musika sa pandinig niya ang unang uha ng bata. Isang panibagong kabanata ang kanyang kakaharapin sa buhay na gagampanan niya ang papel ng pagiging ina.
        Mahabang paglalakbay ang pagiging ina. Kasama niya sa paglalakbay na ito ang kanyang mahal na anak. Makasasalubong nila sa kanilang daanan ang iba't ibang uri ng tao na maaaaring maging balakid o gabay kaya  sa kanilang paroroonan. Susuungin nila anumang bagyong mararanasan o babagtasin ang liko-liko o lubak-lubak na daan. Hindi maiiwasan ang panganib sa paglalakbay na ito kaya naman nandiyan ang ina upang protektahan ang anak. Pilit niyang ilalayo sa kapahamakan ang anak, gagawin ang lahat upang marating ng anak nang maayos ang patutunguhan. Hindi nga ganoon kadali subalit sa katatagan ng ina ay magiging posible ang lahat.
         Kung naituturing nating bayani ang mga taong nagbuwis ng buhay para sa ating bayan tulad nina Rizal at Bonifacio, dapat rin nating ituring na bayani ang mga ina. Ang ina na nagiging tanggulan, moog o proteksyon sa buhay ng isang anak ay nagtataglay ng katapangan. Siya, na sinasalakay anumang laban sa buhay ay nagpapakita ng katatagan. Di ba't ito ay isang kabayanihan?  Kung wala ang ina ay magiging mahirap sa isang anak ang mapanuto sa buhay. Sa kanya pa lamang pagdadalantao at panganganak, ito ay pagbubuwis na ng buhay. Gagawin ng ina ang lahat ng kanyang makakaya upang mapangalagaan at mabigyan ng mabuting kinabukasan ang anak. Kaya ang ina ay may mahalagang gampanin dito sa mundo.
        Lahat ng tao ay may ina. Kahit pa mayroon tayong inabandonang mga sanggol sa paglaki niya na di man niya nakagisnan ang ina, hindi pa rin maitatatwa na minsan sa kanyang buhay may isang babaeng nagbigay ng buhay sa kanya. Ang mga paghihirap, pagtitiis o pagsasakripisyo ng isang ina ay di mapapantayan ng anumang bagay. Ang tanging makapagpapalis ng hirap na ito ng isang ina ay ang makita ang kasiyahan at tagumpay ng kanyang anak. Kaya, nanay... inay...nanang.... inang.... mommy... kayo ang tunay na BAYANI ng aming buhay.

Friday, April 22, 2011

Fugitives of Lent Part 3

Fugitives # 3 - Peter- Among the 12 apostles it was only Simon Peter that recognized Jesus as the messiah. 
Some of the best lines of Peter: 

  • "Depart from me Oh Lord, for,  I am a sinful man." - Luke 5:8
  • "We have left our homes & followed you."- Luke 18:28
  • "To whom shall we go? You have the words of eternal life." - John 6:68
  • "Lord, it is You. Let me come to You on the water." - Matthew 14:2
All these lines have something to do with staying or leaving with the Lord. The question is how loyal was Peter to his Master?
Peter declared to Jesus, "Though they will all fall away because of you. I will never fall away." Jesus said to him, "Truly, I say to you, this very night, before the cock crows, you will deny me three times." Peter answered, "Even I must die with you, I will not deny you."  - Matthew 36: 21-35

There were three instances that Peter really denied Jesus after Jesus was arrested....  and immediately on the third denial, the cock crowed.. Peter was obviously  afraid for his safety and of course for his life.Peter cried after what had happened. 

        Napagtanto ni Peter na tama ang mga sinabi ni Hesus sa kanya na siya ay itatanggi. Ngunit nangyari ang di dapat mangyari. Nasaan, ang sinabi ni Peter, na hinding-hindi niya iiwan ang kanyang Master? Mahirap ngang kunin ang loyalidad ng isang tao. Mahirap maghanap ng taong magiging tapat sa atin hanggang kahuli-hulihang hininga. Minsan, kahit pa anong pangako ng isang tao sa atin na di nila tayo iiwan, ay isa pa ring malaking katanungan. Hanggang saan nga kaya ang makakayang magawa ng isang tao sa atin lalo na sa panahon ng kahirapan. 
     Ang ibnag tao na kakilala man o hindi ni Peter ay napagdududahan na sa kanyang katapatan kay Hesus. Ginawa syempre ni Peter na itanggi si Hesus sa pagnanais na iligtas din ang kanyang sarili. Maaari siyang masangkot sa gulo kung sakaling hindi niya ipinagkaila si Hesus.Katulad nina Hudas at Pilato, marami ring Peter sa ating buhay. Hindi tayo makatitiyak sa katapatan ng mga taong nasa paligid natin kahit pa nga sa loob ng ating pamilya. Sa mga kaibigan natin,ilan kaya sa kanila ang tapat sa atin na kayang ibuwis ang buhay para sa atin? Sabi nga sa oras ng pangangailangan doon mo makikila kung sino ang tunay mong kaibigan. Kahit tayo mismo, hanggang saan ang ating katapatan, ano ang kaya nating magagawa para sa iba? Maipaglalaban kaya natin sila? Mahirap pero iyan ang realidad ng buhay.
       Kahit  ganoon pa man ang ginawa ni Peter kay Hesus, di pa rin nawala ang pagmamahal ni Hesus sa kanya. Pinagkatiwalaan pa rin niya ito at binigyan ng responsibilidad. Mahirap ngang maging si Hesus, Siguro kung tayo ang nasa katayuan niya pagkatapos niyang makita na itinanggi siya ng kanyang apostol, maaari tayong magalit, sumbatan siya o di kaya pagsalitaan ng mga masasakit. Ngunit si Hesus ay pilit na inunawa si Peter. Nang siya ay nabuhay muli ay nilapitan at kinausap pa rin niya si Peter. Ito ay palatandaan na pinapatawad na  niya si Peter. 
       Tatlong beses din tinanong si Peter ni Hesus: " Peter, do you really love me?"  Tatlong beses din niyang sinagot ito.Ipinagkatiwala ni Hesus kay Peter ang pangangalaga sa kanyang mga sinasakupan. Ito ay isang pagpapatunay lamang na kahit gumawa ng kamalian si Peter ay pinatawad niya ito at talagang ipinararamdam niya ito kay Peter. Ganito dapat ang ating ginagawa. Kung minsan nasasabi nating napatawad na natin ang isang taong nagkasala sa atin. ngunit hindi naman natin naipadadama sa kanya ang lubusang pagpapatawad. Dapat ding may gawin ang taong nagkasala, na maipadama at maipakita niya na pinagsisihan niya ito. Gagawa siya ng paraan na maibalik ang pagtitiwala ng taong pinagkasalaan. 
       Huwag tayong matakot na maipaglaban kung ano ang tama. Huwag nating hayaang masira ang relasyon natin sa isang tao dahil lamang sa kagustuhan nating mailigtas ang ating sarili. Katulad ni Peter na sa takot na mapahamak siya, kahit na mahal niya si Hesus, itinago niya ang tunay niyang katauhan upang masabing wala siyang kinalaman kay Hesus. 
      Ang pangyayaring ito kay Peter ay nagtuturo sa atin at kahit mismo kay Peter ng isang  bagay. Di masusukat sa salita ng tao ang kanyang katapatan. Kailangang maging konkreto ang salitang ito. Pero wala nga sigurong makapagbibigay ng katiyakan sa ating katapatan.

Grenade (Song )  listen to the song, the Lord might be speaking to you thru this song. 

Fugitives of Lent Part 2

Fugitive # 2  Pilate  - The Governor of the Roman Province, the notorious judge in the trial of Jesus &  responsible for the Lord's crucifixion. In any of the four gospels in the Bible it is always mentioned that Pilate did not think that Jesus was guilty. 
             To get rid of the people's clamor, he ordered the scourging of Jesus and even allowed him to crown Jesus with thorns. Then Pilate asked the crowd to choose between Barabbas & Jesus on whom to release.. Pilate was expecting that the crowd will choose Barabbas being the hardened criminal. So the people chose Barabbas.  Despite the fact that Pilate knew that Jesus was innocent , he was also warned by his  wife regarding  the disturbing dream about Jesus., he let the crowd made the judgement. He also has his own fear but he was more pressured to the clamor of the people to crucify Jesus.. He gave up & instead allowed the people to mock Jesus.He then washed his hands & declared that he has no responsibility for the death of Jesus. (Matthew 27:17 - 24). on this event he was a slave to the social approval. 
             Pilate wrote a title & put it on a cross, it read " Jesus of Nazareth the King of Jews" The chief of the Jews complained about what he wrote. This time Pilate refused to be pressured  by the Jews to remove or revise the sign  & said' "What I have written I have written." (John 19:19-22)
He made his own decision &  did what is right  inspite of disapproval from the Jews. He also gave permission to Joseph of Arimethea when the latter asked to bury Jesus' body. 


        Ngayon, ating tingnan ang mga ginawa ni Pontio Pilato bilang pinuno ng kanilang bayan. Dito nagsimula sa pangyayari ito ang isa pa ring idyomang Pilipino- hugas kamay, na ang ibig sabihin kung may isang desisyong gagawin at para bang maiipit ka ay iyo na lang ito pababayaan na ibang tao ang gumawa upang sa gayon ay wala kang sagutin sa anumang mangyayari. Ganito ang ginawa ni Pilato, naghugas siya ng kamay nang hindi niya mapigilang ang galit ng mga tao kay Hesus. Bagamat naniniwala siya kay Kristo; alam niyang wala itong kasalanan.Maaari nga sigurong mas nangibabaw sa kanya ang takot sa galit ng tao kaysa sa isipin siya ang pinuno ng kanyang bayan. Siya ay may kapangyarihan na magpatupad ng anumang utos para sa kanyang sinasakupan. Nakalimutan nga kaya ni Pilato na siya ay may kapangyarihan o sadya kayang natakot siya sa galit ng mga tao?
       Hindi nga niya nakuhang ipaglaban kung ano ang nararapat , na hindi ang pagpapako sa krus sa taong wala namang kasalanan. Nang may ginawa siyang sign para sa krus ni Hesus na  " Jesus of Nazareth the King of Jews" nagreklamo ang mga Jews dahil hindi naman daw hari si Hesus. Nagawang ipagpilitan ni Pilato ang kanyang gusto, na wala namang nagawa ang mga Jews. Ang tanong kung nagawang ipagpilitan ni Pilato ito, bakit hindi ang pagpapautos na pakawalan na lamang si Hesus? Hindi siya nakinig sa babala ng kanyang asawa; hindi niya sinunod kung ano ang alam niyang tama. Mas pinakinggan niya ang sigaw ng mga tao na ipako sa krus si Hesus.
       Maraming PIlato sa totoong buhay. Ang taong hugas kamay sa anumang pangyayari; walang pakialam sa kahihinatnan ng pagsasawalang bahala. Takot na harapin ang katotohanan kaya di kayang magbigay ng sariling desisyon. Marami sa atin na laging nangingibabaw ang takot na nalilimutan kadalasan na ipaglaban kung ano ang tama at nararapat. Katulad ni Pilato, nalimutan niyang sandali na siya ay gobernador, may kapangyarihan dahil sa "pressure"ika nga.
        Ang pagdedesisyon ay ang pinakamahirap na gawin sa buhay ng isang tao. Isang hakbang sa pagdedesisyon ay maaaring makabuti o makasama. Kung halimbawang hindi nakinig si Pilato sa mga tao at pinakawalan niya si Hesus, titigil na rin kaya ang mga tao sa pagsigaw?  Ang punto natin dito ay sa anumang desisyong ating gagawin, kinakailangan ito ng masusing pag-iisip. Kung marunong tayong kumilala nang kung ano ang tama, iyon ang ating gawin. Mahalaga rin na ang desisyong ito ay makabubuti sa karamihan. Dapat din nating konsiderahin ang tama sa mata ng ating Panginoon.
           May iba sa atin na mas pinakikinggan ang sinasabi ng iba o mas sinusunod ang kagustuhan ng iba kaysa sa sariling kagustuhan. Kahit alam nilang hindi ito tama o hindi ito ang makabubuti sa kanila ay sinusunod pa rin nila. Masakit mang isipin na may mga magulang din na  lumalagpas sa kanilang mga obligasyon sa anak. Minsan nakalilimutan ng ibang mga magulang na may sailing pag-iisip o kagustuhan ang kanilang anak. Bagamat tama naman ang kasabihang: "Mother knows best.". Tama, alam ng mga magulang kung ano ang makabubuti sa anak ngunit wag din naman nating ipagkait sa kanila ang mga responsibilidad sa buhay. Dapat ngang gabayan ng mga magulang ang mga anak.Kailangang alamin din naman natin kung ang kagustuhan natin para sa kanila ay makabubuti nga ba sa kanila. Oo nga at gusto lang naman ng mga magulang ay ang mapabuti ang buhay ng anak ngunit minsan din dahil sa paniniwalang ito ay maaari ring makasama.
         Ang mahalaga lamang dito ay magkaroon ng maayos na komunikasyon ang mga magulang at anak; maging bukas sila sa isa't isa. Alamin ng mga magulang kung ano ang gusto ng anak halimbawa sa pipiliing kurso sa kolehiyo dahil ito kadalasan ang isyu sa pamilya. Ipaliliwanag nang mabuti ng anak kung bakit iyon ang kursong kanilang napili. Ipauunawa rin naman ng magulang kung ano ang mas mabuti. Kailangan nilang magkasundo kung ano ang nararapat. Kung magiging bukas ang isipan ng bawat isa, hindi naman siguro ito problema. Hindi tamang sasabihin ng magulang na sa anak na..."Bahala ka kung iyan ang gusto mo. Kung ano ang mangyayari sa iyo wala na akong pakialam sa iyo." O di kaya ang anak sa magulang na: " Sige kung iyan ang gusto ninyo kayo ang masusunod basta kung lagi akong bumagsak kayo ang mananagot."  huh nanakot pa. Hindi rin naman tama, di ba.
         Huwag sana tayong maging Pilato na tumatakas sa responsibilidad. Harapin natin ang katotohanan. Gumawa tayo ng hakbang para sa ikabubuti ng nakararami. Kapag nakapagdesisyon ka na, huwag naman nating sabihin..."ay naku bahala na ".... "ay basta wala akong pakialam kung ano ang mangyayari"....o ang masaklap pa.... "basta ha wala akong kinalaman dyan... hugas kamay na ako diyan". Ang pagtakas sa responsibilidad ay isang karuwagan. Ang pagsasawalang bahala sa kapakanan ng iba ay karamutan. Ang pagbibigay ng desisyon sa kung ano ang tama ay dapat gawin ng walang pag-aalinlangan.

        Fugiitives of Lent

There are certain people in our lives
whose approval we seem to need more than others.
Sometimes our need for their approval is even greater
than our need for God's approval.

“Among the people in my life,
whose approval do I value or need?”
“Why do I need their approval?”

“Is my seeking for their approval a help or a block
to my relationship with the Lord?
“What would happen to me if I sought God's approval
above theirs? What would I lose?”

Fugitives of Lent Part 1

JUDAS, PILATE, PETER
This is an online retreat: The topic is quite unique coz it talks on the bad guys this time & not the usual good guys..
SESSION 1 -Fugitive #1 -Judas Iscariot
These are some of the questions from this session

  • Have there been "bad guys" in our lives?
  • Have we ourselves been "bad guys" to other people?

          Kakaiba ang paksa ng recollection na ito at marami akong natutunan sa Day 1, May mga "bad guy"s nga sa ating buhay o maaring tayo rin ang "bad guys" na ito. Pero kahit pa sinasabi ngang mga masasamang tao o mga kaaway pa natin, tiyak na may pinagdadaanan sila o may pinag-uugatan ang kanilang mga nagagawa.
         Si Hudas na kilala nating traydor kaya nga naging isa na itong idyoma na pag minsan kaysa sabihin traydor ka, ay tatawagin kang "Hudas ka talaga!"Ang isa pa ay ang tinatawag na halik-hudas... ibig sabihin ay traydor pa rin.

The Judas'  kiss- friend to traitor  Judas kissed Jesus as a manner of identifying who would be arrested.. Then when Judas kissed Jesus, Jesus asked him:"Judas would you betray the son of man with a kiss?"(Luke 22: 47-48)


       Biruin mo ba nman na ang taong hinalikan ka ay may iba pa palang pakahulugan. Syempe kapag sinabi mong  halik , ito ay  tanda ng pagmamahal. Pero sa ginawa ni Hudas, hindi pala kundi iyon ang senyales para sa mga Jewish leaders kung sino ang dapat nilang hulihin. Pagtratraydor nga! Ngunit kahit mismong si Hesus ay nararamdaman nya na may kakaibang mangyayari, Siguro kung tayo yun maaaring galit ang ating reaksyon, baka nga ang ipalit natin sa halik ay sampal. Pero kay Hesus  tinanong pa niya si Hudas. Pero ang tanong: bakit nga kaya halik? Pwede namang tabihan nya na lang si Hesus o di kaya ay makipagkamay sya.... maraming pwede gawing palatandaan, Alam nating lahat na si Hudas ang isa sa pinamamahal na disipulo ni Hesus. Kaya nga masakit na ang sariling mong minamahal o kaibigan ang siyang magkakanulo sa iyo.
      Kahit sa tootoong buhay, isang napakalaking pangyayari kung may isang taong malalalaman nyang trinaydor sya ng kanyang sariling kaibigan. Magiging malaking away tiyak. Pero kakaiba si Hesus.. kumbaga "one in a million". Hindi sya nagpakita ng anumang galit kay Hudas bagamat marahil para bang nagpaparinig lang o maaari rin namang binibigyan  pa nya ng pagkakataon ang kanyang kaibigang magbago ng iniisip.

The thirty pieces of silver that the Jewish leaders paid to Judas in exchange for the information given to them about Jesus. Judas regretted what he had done or maybe felt so guilty after seeing Jesus being condemned. He repented and gave back the silver to them but was not accepted. "I have sinned in betraying innocent blood." (Matthew 27: 3-5) 

        Ipinagkanulo ni Hudas ang kanyang iginagalang, minamahal na kaibigan kapalit ng 30 pirasong pilak. Pagkatapos niyang masaksihan ang bunga ng kanyang ginawa, pinagsisihan niya ito. Hindi niya maatim ang ginawa ng mga taong humuli sa kanya. Kaya naman isinauli niya ang mga pilak ngunit di na ito tinanggap. Lalong bumigat ang pakiramdam ni Hudas. Masasabi rin nating nangibabaw pa rin kay Hudas ang pagiging kaibigan. Kung iba pa rin iyon, eh ano ba kung ano ang nangyayari tutal may pera na siya. Hindi nakayanan ni Hudas ang bigat ng kasalanang kanyang nagawa... "guilt feeling"... iyan ang nakapatay sa kanya... katagalan siya ay nagbigti.
        Ganito tayo minsan sa paghahangad natin ng kaginhawaan o kaunti man lang kasiyahan, naipagpapalit natin ito sa kapahamakan ng iba o di kaya ng ating sarili. Hindi natin naiisip ang maaaring ibunga nito at natatanto na lang natin na mali pala ang lahat na may pagsisisi sa huli.
         Ilan kaya sa atin ang katulad ni Hudas na pinabayaan nating sirain ng ibang tao o ng isang bagay ang relasyon ating pinagkaingatan? Katulad halimbawa ng magkaibigan na ang isa ay nagtaksil dahil lamang sa pag-ibig o ambsiyon. Sa isang iglap dahil sa pagnanais na makamtan ang bagay na di na dapat pang kunin ay nasira ang magandang relasyon. Sino kaya sa atin ang kayang gawin ang ginawa ni Hesus na di nagpakita ng galit kay Hudas?  Kaya nga di ba dahil sa pagtratraydor ay maraming naggagantihan, nagbabangayan o nagpapatayan. Ilan kaya rin sa atin ang madaling matanggap ang kamalian? Katulad ng naranasan ni Hudas, na pagkatapos niyang makita ang paghihirap ni Hesus ay pinagsisihan niya kaagad ito. Ang karamihan sa atin ay napakatagal pa. Baka nga kung tayo yon nabuhay na lang uli si Hesus di pa rin natin aaminin ang kasalanang nagawa.
    
God has his own way of bringing out the best in us even to those who committed a big  offense.

         Si Hudas para sa atin ay masama`.... "bad guy"... Maaari ngang masama ang kanyang ginawa ngunit itinutro din nito sa atin na tayo ay maging tapat sa ating minamahal. Na hindi nararapat na ipagpalit natin ang pagmamahal na ito sa anumang halaga. Maaaring sa panandalian, ikaw ay maliligayahan ngunit ang bunga ng iyong ginawang kasamaan ay magiging dala-dala mo kahit kailan, kahit saan. Tayo ay maaaring naging biktima ng mga masasamang tao ngunit kadalasan o di man ay nambibiktima?

Beliefnet.com

10 Ways to Cheer Up Fast- Beliefnet.com

Japan nuclear crisis raised awareness of nuclear power among APAC online users | blogwatch.tv

Japan nuclear crisis raised awareness of nuclear power among APAC online users | blogwatch.tv

DALUYAN NG PUSO AT ISIPAN: ANG PAYO KO

DALUYAN NG PUSO AT ISIPAN: ANG PAYO KO: "I want to share with you the email that I received 3 days ago,Let's respect her of not wanting to reveal her name. (This was dated April 19..."

Ang Tao At Ang Kalikasan


Malawak na karagatan, matarik na kabundukan,
Mahahabang ilog doon, lambak at ang kapatagan,
Ang malakristal na batis at mayamang kagubatan.
Ang bughaw na kalangitan, luntiang kapaligiran,

‘Yan ang mukha ng kalikasan, kaaya-ayang pagmasdan
Ngunit ngayon nasaan na,. di na ‘to ang nakagisnan
Ang kaloob ng Maykapal ating nilalapastangan
Di na mandin alintana, ito’y may kahalagahan.

Basura ay makikita, lingunin mo kahit saan
Maitim na usok at mabaho pang kapaligiran
May nakalalasong tubig, panot na na kagubatan.
Natakpan ang kariktan, pangit na kapaligiran.

Ano ba ang ginawa mo sa ‘ting Inang Kalikasan?
Nasa;n na ang ganda nito na siyang tunay na yaman?
Kayong mga kabataan, t’yak na maapektuhan
Pagkat   ito ri’y pundasyon ng  magandang kinabukasan.

Kailan ang aking hinaing ay iyong pakikinggan?
Hindi mo ba nakikita ‘tong ating  kapaligiran?
Isa kang saksing pilit na ka’y  nagbubulag-bulagan,
Nakaririnig ka naman,  nagbibingi-bingihan.

Ilan pa bang  baha’t bagyo, ang iyong mararanasan?
Ilang unos o  pagguho, ang iyong masasaksihan?
Ilang dusa at sakuna, pati luha’t kamatayan
Upang sana’y matanto mo, ako’y magiging kawalan.

Ikaw tao, ang s’yang bumago sa mukha ng kalikasan
Ikaw tao ang sumira sa ganda ng kalikasan
Ngayon  ika’y   nagdurusa galit ni Inang Kalikasan.
Pahahalagahan mo sana ako sana ay pakinggan.

Ang bahay mo na nasira , posible pa ang pagbuo
Ang ‘sang gusaling gumuho, muli pang maitatayo.
Materyal na mga bagay, maibabalik mo ito.
Ngunit tandaan mo ito, iisa lamang ang mundo.

Huwag naman natin hintayin  mawala nang lahat-lahat.
Sa ‘ting pa ring mga kamay ay ating maiaangat.
Mundo mong ginagalawan kalinga’y karapat-dapat
Gumising ka at masdan mo ngunit iyan ba ay sapat?.

Tuesday, April 19, 2011

PNOY… this is the real show




I did not vote for Noynoy Aquino because I know that there was a better leader than him. It was my first time last Presidential Election that I got so involved in politics. I was a very active volunteer of one candidate then. I really put all my time, effort and some money during the campaign period. I was never been so involved in politics as a citizen of this country especially during election time. I was always a mere voter. To make the story short of course my candidate did not win and I felt bad about it. Of course I can’t do anything but to accept the reality that the Filipino voters are not yet matured in terms of choosing leaders for our nation. I love my country Philippines that is why I voted for the right person.
Now where are your promises PNoy for a “matuwid na daan”? Is this what you meant by matuwid na daan of price hike, crime rate increase and the aggravating poverty problem? Or, are you just busy, removing the pet peeves of previous administration? I have nothing against on your aim of eradicating corruption though I know its not that easy. What I am saying is that there are more things that need more attention. I don’t like you as president but you have to prove that the votes given to you are not wasted. Can you just refrain from uttering vengeful statements whenever you deliver your speech? Election is over! You are not anymore in a campaign period! You are already on your real performance as a president of this country. Enough on wrong moves or wrong decision. Chances are all here. I am still hopeful that you can prove that I am wrong in not believing you…. that you can still lead us to a progressive nation unifying people and not one ruled with hatred.

Monday, April 18, 2011

Mahal Na Araw sa Makabagong Panahon

        Mahal na araw na naman. Ito ay isa sa mga pagdiriwang ng mga Katoliko bilang paggunita sa buhay, pagpapakasakit, pagkamatay at pagkabuhay na muli ng ating Panginoong Hesukristo. Ito ang araw na dapat sana gawin nating makahulugan. Ang tradisyon ng mga Katoliko kapag ganitong panahon ay pagbibisita Iglesia, pakikinig sa Seven Last Words, pagbabasa ng Pasyon, o pagpapalabas ng Senakulo.Ang karamihan ay dumadagsa sa simbahan upang mangumpisal.
      Natatandaan ko pa noong ako ay bata pa kapag Mahal na Araw parang ang lungkot-lungkot. Tahimik kasi ang paligid. Lunes santo pa lang wala nang palabas sa TV, wala ring mga radio stations na naka-on air kung meron man mga soft music lang. Pinagagalitan kami kapag mag-iingay, maglalaro o kahit na mag-usap nang malakas. Kailangan talaga tahimik as in tahimik. Eh hindi pa rin naman uso nun ang Facebook o Twitter, wala pa ring cellphone so walang kaming ibang magawa kundi matulog. Hinihintay na maluto ang biko o ginataang halo-halo na niluto ng aking lola. kahit napakainit ng panahon ay sarap na sarap sa paghigop ng sabaw ng ginataan. Ganoon kasimple lang.
       Ngayon iba na, may palabas pa rin sa TV bagamat pag simula ng Huwebes Santo may mga special nang palabas. Pero sa iba na mayroong cable TV enjoy pa rin sa panonood ng mga paborito nilang programa. Sa mga nabo-bored naman ... naku tiyak na may videoke pa. .... kaya maingay pa rin ang paligid. Ngayon ko naa-appreciate yung mga araw ng aking pagkabata, para bang mas may kahulugan ang Holy Week ko noon.
      Karamihan ng mga tao ngayong panahong ito nagbabakasyon, nagpupunta sa mga lugar na kung saan makapag-eenjoy sila lalo na sa mga beach resorts. Wala namang masama rito kasi natataon naman kadalasan ang Holy Week sa bakasyon ng mga estudyante kaya bonding moment baga ng mga pamilya o magkakaibigan. Sana nga lang may pagkakataon naman sa kanilang pagsasaya ay mapaglalaanan nila ng panahon para sa pagninilay-nilay, Hindi nga naman siguro kinakailangang magpenitensya katulad ng ginagawa ng iba na nagbubuhat ng krus sa daan habang pinapalo at pagkatapos ay magpapako sa krus sa ilalim ng maiinit na araw. Kasi naman di kailangang ipakita sa lahat ang ginagawa nating pagsisi ng mga kasalanan o pagsasakripisyo. Mas makatotohanan nga kung ikaw lamang ang nakaalam ng gingawa mo basta ba tapat ka.
        Iba na nga ang panahon ngayon.... habang lumilipas ang panahon marami kang makikitang  pagbabago, kakaiba sa nakasanayan natin  Iba rin ang nagagawa ng mga makabagong teknolohiya. Kahit nga siguro gawin pa rin yung gingawa noon na off air ang TV at Radio ay meron naman silang pampalit; ang mga cable TV, internet ang mga electronic gadgets.. so wa epek....
      Hay... 'yan ang realidad ng buhay mahirap mapanatili ang tradisyon. Bilib ako sa mga taong kahit sa makabagong panahon ay nagagawa pa rin ang mga makalumang tradisyon. Tama naman na di natin kalimutan ang mga namana nating tradisyon sa ating mga ninuno pero kailangan pa rin nating makisabay sa bagong takbo ng buhay. Kaya ngayong Mahal na Araw nasa sa atin na 'yan kung paano nating gugulin ang panahong ito; kung ano ang nais nating gawin. Sana lang 'wag nating iwaksi ang tunay na kahulugan ng Mahal na Araw bagamat hindi naman kailangan sa araw na ito lamang tayo magsisi ng ating mga kasalanan o sa araw na ito lamang tayo magiging malapit sa Panginoon. of course sa lahat ng aaw, lahat ng panahon.
      Isaisip at isapuso natin ang ginagawang pagpapakahirap ni Hesus para sa ating sangkatauhan. Marami rin tayong pinagdadaanan sa buhay, marami tayong pagsasakripisyong ginagawa sapat na rin iyon para kahit papaano ay nagiging makahulugan ang ating buhay. Ipagpasalamat natin sa Panginoon ang biyayang ating natatanggap. Isuko natin sa Kanya ang anumang di na natin makaya. Kaya ngayong mahal na araw kung magsasaya man tayo gumawa pa rin tayo ng kakaibamg sakripisyo na iaalay natin kay Hesus.
      
 

Saturday, April 9, 2011

Kasiyahan Para sa Kahirapan

               Naglikha ng malaking ingay sa media ang nangyari kay Willie Revillame dahil lamang sa isang episode sa kanyang show na Willieng-willie noong ika-12 ng Marso,2011. Bagamat hindi ito ang unang pagkakataon na nangyari ito sa kanya sapagkat nasangkot na rin sya sa ilang mga di magagandang pangyayari.Isa na ito ngayong napakaiinit na isyu na kahit saan ay pinag-uusapan lalo na sa mga social networks tulad ng Facebook at Twitters. Nabigyang pansin na rin ito ng ilan sa mga ahensya ng ating pamahalaan. Lalo pa itong naging mainit nang ang ilan sa ating mga artista ay nasangkot dahil lamang sa pagpapahayag ng kanilang saloobin ukol sa pangyayari. Ang isyu rito ay ang sinasabing Child Abuse.
              Ang tanong, sino nga ba ang dapat sisihin sa pangyayaring ito? Ang TV 5 kaya na siyang network na pinagtratrabahuan ni Willie na hinayaan nilang mangyari iyon? Si Willie Revillame kaya, na sabi nga niya ay wala siyang nakikitang masama sa ipinakita ng bata, na ang nais lamang niya ay mapasaya ang kanyang mga manonood? Di kaya ang mga magulang ni Jan-jan na siya nga raw nagturo sa bata ng pagsasayaw ng macho dancing, na di naman daw nila pinilit ang bata? Maari rin kayang ang mga manonood ng show ni Willie na pinagkatuwaan nila ang bata,na kahit na nga habang nagsasayaw ay umiiyak ngunit tuloy pa rin ang katuwaan? Pwede rin bang mismong si Jan-jan na kung bakit siya sumasayaw habang umiiyak? Pwede rin kayang ang mga taong nagbigay ng reaksyon na naging iba ang interpretasyon sa anumang naipakita? Sino nga ba?
            Ang masasabi ko lamang, iisa lamang ang naging ugat nito.... ang kahirapan. Isang malaking katotohanan sa ating bansa na dumarami ang naghihirap. Dahil sa katotohanang ito, marami sa ating mga kababayan ang naghahanap ng paraan na matugunan ang kanilang pangangailangan. Isa sa kanilang nakitang paraan ay ang pagsali sa mga talent show, reality show o game show. Nakita kasi nila na ang pagsali sa mga ganitong palabas ang makapagpapatupad ng kanilang pangarap. 
           Bakit nga ba marami ang pumipila sa labas ng mga TV Studio? Ang mga taong pumipila rito ay nagnanais na makapasok sa studio upang mag-audition o di kaya manood ng  isang palabas at makita ang kanilang iniidolo. Siyempre naman karamihan sa kanila ang nais nila ay  makasali sa mga palarong inihahandog ng show. Balewala sa kanila kung malayo man ang kanilang pinanggalingan. Tiniis ang init, ulan, sakit ng katawan sa pakikipaghilahan o tulakan sa pila at kadalasan wala pang kain. Wala namang masama di ba. Ang di mabuti rito ay kung dito na umiikot ang iyong buhay at napapabayaan mo na ang iba mong obligasyon sa buhay. 
            Maaari ngang makatugon sa ating pangangailangan ang pagsali sa mga palabas na ganito. Tandaan lamang natin na sa pagsali natin sa anumang palaro, di tayo nakasisiguro kung tayo ay mananalo. Pag pumunta ka sa studio at nagbabasakaling makuha ka bilang contestants ng isang laro,di siguradong mananalo ka. May pagkakataon pang di ka makapapasok o di ka makasasali kaya uuwi kang pagod at dismayado. Sabi nga swerte-swertehan lang. 
           Ang nangyari sa kaso ni Willie Revillame na kasangkot ng pamilya ni Jan-jan ay di lamang pagpapakita ng paglabag sa karapatan ng bata kundi nag-uugat din ito sa kahirapan. Sa pagnanais nga na magkapera, nanood ng palabas at naswertehan nabigyan. Bagamat di naging maganda ang katapusan ng pangyayaring ito,may natutunan tayo sa pangyayaring ito. Naging hati man ang mga opinyon ng mga tao, nakita natin ang ibang butas nito. 
          May mahalagang responsibilidad ang mga taong nasa TV network; hindi lamang ito sa pagbibigay ng aliw. Dapat pa rin nilang pangalagaan ang magandang pangalan kanilang itinayo upang magtiwala sa kanila ang mga sponsors na siyang bumubuhay sa kanila. Kung walang maraming manonood sa kanilang mga programa ay walang advertisement na papasok. Binibigyang pansin ng mga advertisers ang karakter ng mga nag-eendorso ng kanilang produkto na dapat maging kapani-paniwala at makapang-aakit ng mga consumers. Ito ang naging dahilan upang lumaki ang problemang kinaharap ni Willie dahil tinalikuran siya ng kanyang mga sponsors.  
         Sana naman tingnan din ng mga namamahala sa TV network ang mga ipinalalabas ba nila ay may values. Wag naman sana silang maging ganid sa mga ratings. Mahalaga sa kanila ang rating pero obserbahan nila kung  nakabubuti nga ba talaga sa manonood ang kanilang palabas. May palabas sa TV na ganito ang takbo ng istoryang ipinapakita .... ang pagkagahaman sa rating ng TV management. 
         Ngayon naging pamukaw ang pangyayaring ito sa mga tao lalo na sa mga TV Network na magiging maingat na sila sa kanilang ipinapakitang palabas. Kung hindi nila babaguhin ang kanilang pananaw sa pagbibigay ng kasiyahan sa tao, kakalampagin ng mga tao ang mga social networks para sa pagrereklamo at tiyak na magdadalawang-isip na ang inyong mga sponsors. Isa sa mga araw na ito tiyak na mas may malawak pa tayong makikita na bunga ng usaping ito. 

              

Ako.... Inyong Tagapayo

  Isang bagay ang natuklasan ko sa aking buhay, na ako ay binigyan ng Diyos ng isang misyon sa  na makapagbigay liwanag sa buhay ng aking mga kaibigan. Madalas na ang aking mga kaibigan sa malayo man o malapit, ako ang hinihingaan nila ng kanilang mga problema. Ako ay nasisiyahan dahil naibibigay nila sa akin ang tiwala. Lalong nakatataba ng puso kung sa pagkatapos ng usapan ay naliliwanagan ko ang kanilang isipan, napapagaan ko ang kanilang nararamdaman at higit sa lahat ay nakatutulong ako upang makita nila ang kasagutan sa kanilang mga katanungan. 
             Maaaring isa itong biyaya mula sa Maykapal, na ginawa Niya akong instumento upang maituro ko ang tamang landas sa buhay, upang maging sinag sa kanilang madilim na daanan, upang maging gabay sa kanilang patutunguhan at upang maayos ang anumang salimuot sa buhay. Nakapagpapagaan din naman ito sa akin dahil ako rin naman ay may sariling suliranin. Minsan nasasabi ko na mas mabigat pa pala ang kanilang problema kaysa sa akin. Bagamat kung minsan mabigat din na ikaw ay maging shock absorber minsan nga nakaka-drain pero nawawala rin naman kapag alam kong naliliwanagan ang kanilang isipan dahil sa mga sinasabi ko.
          Ang mahalaga lamang sa aking kinakausap ay maging bukas ang kanyang isipan at puso sa anumang bagay sapagkat mahirap din namang tulungan ang taong sarado na ang utak at puso. May mga tao rin naman kasing may sariling  paniniwala na mahirap sirain. May mga tao namang kahit ipinapaliwanag mo ang katotohanan ay pilit na nagbubulag-bulagan o nagbibingi-bingihan. Hahahahha.... ganun na nga... pero kahit papaano kailangan lang maging matiyaga tayo sa pakikinig sa kanilang saloobin. Importante kasi naihihinga ng tao ang kanyang problema. 
         Huwag na huwag ninyong sosolohin ang inyong problema kasi pag sinolo nyo yan parang bulkan yang sasabog. At saka kapag hindi mo naibabahagi iyan sa ibang tao, walang ibang papasok sa inyong isipan kundi mga negative thoughts at kapag yan ang pumasok dyan nagsisimula ang mga maling hakbang. Kaya nga di ba may mga nagpapakamatay. Dapat tayong mapagbantay sa mga tao sa ating paligid lalo na ng ating mga mahal sa buhay. Lalo na kapag abala tayo hindi na natin napapansin na may problema pala sila. Mayroon din namang tao kasi na itinatago kung ano ang tunay na nararamdaman. Kaya nga kapag may tinanatanong tayong kaibigan na : "Kumusta ka?,,,,, ang isasagot:" Ok lang".... medyo magduda na kayo baka hindi nga ok eh.
        Sa madaling salita ako ay kadalasang tagapayo ng aking mga kaibigan. Bagamat nais kong ipaalala sa inyo na hindi naman porket pinayuhan kayo ay iyon na ang inyong susundin. Ang nararapat lamang ay titimbangin ninyong mabuti ang lahat. Ok .... kaya sana be sensitive enough to know what's happening to your friends or loved ones. Pero huwag din naman sosobra ha kasi baka naman ma-misinterpret nila na nakikialam na kayo.